l




Wednesday, September 06, 2006

Mahirap ka ba pinoy?

Naniniwala ka bang halos 75% ang taong mahirap sa Pilipinas?
Sa ngayon ay kasama pa rin tayo sa “WORLD’S MOST POVERTY COUNTRY” oo at mukang habang tumatagal eh pataas ng pataas ang ating ranggo sa TOP LIST!. Para bang nasa countdown ng isang music station, habang dumadami ang populasyon ay dumadami din ang mahirap.

Sino ba ang dapat sisihin? Ang mahihirap? Ang gobyerno? Ang diyos? Mahirap mamili diba?. Kahit ako mahihirapan akong pumili sa unang pagbasa pa lang ng katanungan na yan. Mahirap dahil una sa lahat, may masasagasaan ka na madaming pahayag ukol sa isyu na yan. Hindi ganung kadali ang magbitiw ng mga salita. Pero isipin mo? kung ang diyos ay gumawa ng mahirap? Wala na bang magagawa upang iahon ang mga lugmok sa kahirapan?. Hindi bat pwede namang magsumikap upang magkaroon ng ginhawa sa buhay?. Sa kabilang banda ang sagot ng iba, “May diskriminisasyon kc”. Oo nga naman, maraming mayayaman at mga ahensya ang ayaw tanggapin ang taong mahirap. Kapag wala kang pera talo ka!. Kaya kahit anong sumikap ng isang tao, kahit na doble pa sa kalabaw ang kanyang pagtratrabaho pero kung may mga taong ganito ang tingin sa mga mababang uri ay hindi rin aangat sa buhay.


Ang gobyerno? Hindi rin maikakaila na merong mga kurakot sa pamahalaan. Hindi lamang ito bunyag, ngunit ramdam ito ng buong sambahayan. Dahil kung walang kurakot? Bakit ilang henerasyon na ay malaki pa rin ang utang ng Pilipinas? Bakit hindi mabayaran? San napupunta? Bakit yumayaman ang mga taong nagtratrabaho sa gobyerno? At habang sila ay yumayaman ay dumadami naman ang mahihirap. Ang daming katanungan na kahit a MADAM AURING ay hindi masagot, kaya nagtiis na lang maging manghuhula ng kanyang sariling love life. Sabi nga nila “Madami ng dumaan na apo si LOLO JOSE, pero hanggang ngayon di pa tayo bayad sa utang!”. Mahirap talaga ang ganitong lagay n gating bansa. Hanggat may tiwali habang buhay tayo maghihirap. Nasa sayo na lamang kung paano mo gagawan ng sariling kwento ang iyong buhay.



Monday, August 14, 2006

Ito ang tunay na kahulugan ng buhay.

Hindi siya tanga dahil nakakaintindi naman siya ng mga rules at regulation, hindi rin siya bobo dahil marunong siyang magbasa at sumulat. Eh anong tawag sa isang taong kahit paulit ulit ng nasasaktan, nadadapa at nabibigo ay pilit pa ring bumabangon sa pagkakalugmok?!. Ipinaglalaban ang mga bagay na hindi alam kung anong kahahantungan. Walang katiyakan at walang kasiguraduhan. At kung meron man, bakit ito Malabo at wala man lang bakas ng kalinawan? Uso na naman ngayon ang PICTURE EDITING kung saan ang mga letratong luma na ay maaari ng palinawin sa pamamagitan ng pag EDIT sa KOMPYUTER. Ang mga panget sa litrato ay maaari ng pagandahin. Ang mga tigidig sa muka ay naglalaho na, walang bakas ng kasalanan. Hindi bat pwedeng ang buhay ay palinawin na rin katulad ng sa letrato?

Ngunit isipin mo ito? Sa buhay di lahat ay may sagot. Kung meron man pilitin mo itong malaman. May namamatay na may tanong na di nasagot tulad ng “Bakit ako ipinanganak na mahirap?” at “bakit kahit anong gawin kong pagsusumikap na magtrabaho ay nanatili pa rin akong dukha?”. Namamatay sila na di naintindihan ang kanilang pinagdadaanan sa buhay. Sabi nga nila namatay siya ng puno ng pagdurusa. Nabuhay siya ng mahirap at namatay din ng mahirap. Mahirap talaga minsang intindihin ang mga bagay sa mundo. Mahirap lalo sa mga taong di nakapag-aral man lang.

Ngunit kahit ang isang enhinyero na nagtapos ng MAGNACUMLAUDE sa isang prestilyosong UNIBERSIDAD ay dir in masagot ang mga misteryo na nababalot sa buhay. Kahit si Socrates na isang matalinong Pilosopo ay wala ring katiyakan sa mga bagay na kanyang ipinapahayag, puro iyon OBSERBASYON at TEORYA lamang. Ang nalalaman lang nating lahat ay kailangan nating mabuhay, kumain ng 3 o 5 beses sa isang araw upang mapunan ang laman ng sikmura. Sa mga mahihirap tama na ang 1 o 2 beses na makakain, ang mahalaga ay may masisilungan kahit na maliit lamang na barong baro sa panhon ng unos. Kahit na sa bawat sulok ng bahay ay may mga butas at tumutulong tubig ulan. O kahit ang bawat pader ng plywood ng dingding ay magigiba na sa lakas ng hagupit ng hangin.

Malupit mabuhay sa mundo yun ang totoo. Ngunit kailangan mo maging matatag sa kahit ano pa mang pagsubok na dumaan. Manatili ka katulad ng isang kawayan na kahit labing dalawang bagyo ang dumaan, ay nanatili pa rin siyang nakatayo at nakikipaglaban. Nakikisabay sa ihip ng hangin at sumasayaw sa awit ng buhay. Ikaw ang talo kung pababayaan mo ang sariling madapa. Tulungan mo ang iyong sarili at maniwala ka tutulungan ka rin niya.



Thursday, August 10, 2006

magpakailanman..

Lilipas din ang panahon.Sa isang iglap lahat magbabago, sa isang kisap lahat ng ito ay maglalaho. Sa bawat halakhak mapapalitan ng lungkot, ngunit sa bawat luha matatabunan ng tuwa. Ngunit hindi ito tulad ng pagibig ko sayo.. alam kong luma na ang linyang yan, sabi nila..mahirap maniwala.. mahirap magbitaw ng isang salita.. pero ano pa man ang manyari.. hindi bat minahal naman kita?!.. sana lang di ka manhid.. sana lang iyong napansin..at sa paglayo ko.. di yun dahil sa di na kita mahal.. hinayaan na kitang kumawala sa hangin.. hanapin ang iyong giliw, at kung di mo ito natagpuan.. sana tangayin ka muli ng hangin, at ibalik sa aking piling.. hihintayin kita.. "


Magpakailanman
Rocksteddy
Darating din ang araw
Na tayo ay tatanda
Babagal ang mga paa
At lalabo ang mga mata
Di mo mamalayan ang ikot ng mundo
Darating din ang panahon
Na lalagas ang buhok
Balat ay kukulubot
At makukuba ang likod

D ko malilimutan
ang pag-ibig
Magpakailanman!!!

Panahon ay lilipas din
Mga araw ay dararaan
Ang mundo ay papanaw
dinNgunit ‘di ang aking
pusoNgunit ‘di ang pag-ibig
ko sayo

Darating din ang bukas
Na tayo ay kukupas
Ang buhay ay magwawagas
Kasama ang gunita
D ko malilimutan ang pag-ibig
Magpakailanman!!!

Panahon ay lilipas din
Mga araw ay dararaan
Ang mundo ay papanaw
dinNgunit ‘di ang aking puso
Ngunit ‘di ang pag-ibig ko sayo
Habang buhay kitang mamahalin
Habang buhay kitang hihintayin
Habang buhay kitang mamahalin
Magpakailanman!!!

Panahon ay lilipas
dinMga araw ay dararaan
Ang mundo ay papanaw din
Ngunit ‘di ang aking puso
Panahon ay lilipas din
Mga araw ay daraan
Ang mundo ay papanaw dinNgunit
‘di ang aking pusoNgunit ‘di ang pag-ibig ko
sayo Sayo
Sayo
Sayo Sayo Sayo Sayo Sayo..

(ito ay by request ni icarus...) salamat sa pagtangkilik sa bukas na isipang pinoy! bisita din kayo sa akin.. http://www.walongbote.co.nr



Monday, August 07, 2006

Ano ba ang buhay?


Ano nga ba ang buhay? Hindi bat nabubuhay tayo dahil sa paghinga. Sabi nga nila ito ay ang pagpapalitan ng OXYGEN AT GAS sa loob ng katawan. Maaari kang mamatay sa isang iglap sa oras na magkaroon ng problema sa loob ng iyong katawan katulad ng hindi pagdaloy ng dugo. Ngunit sino nga ba ang nagbigay ng buhay?. Alam kong iisa lang ang nasa ating isipan, at kung iba man ang nasa utak mo! Aber! sino?

Mahirap mabuhay. Kailangan mong kumain kung hindi mangangayayat ka at magkakasakit at unti uti kang mamamatay. Ngunit sino ang makapagsasabi kung kelan ka mamamatay?. Hindi bat kahit kumain ka ng madami sa mga oras na ito, maaaring sa sobrang iyong kabusugan ikaw ay inantok at nakatulog. Sa kasawiang palad ikaw ay binangungot at dina muli pang nagising. Maaari ka ding mamatay habang ikaw ay naliligo kapag ikaw ay nadulas sa banyo at nabagok ang ulo. Pwede ring pagkatapos nitong pagbabasa mo ng website ko ay pwede kang mamatay dahil nakuryente ka. Sabi ko sayo eh!. Walang makapagsasabi kung kelan tayo lahat mamamatay. Tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam.

Ngunit mayroong isang katagang dapat mong laging isipin ito ay “Mabuhay ka na parang wala ng bukas!”. Maging masaya ka sa bawat pagkakataon, huwag mong hayaan ang sarili mo na magpatalo sa mga problemang sa iyo ay bumabalot. Alam kong mahirap makipaglaban, ganun din naman ako. Mahirap yun lalo pat kahit anong gawin mo ay lagi kang nahuhulog. Walang nais magtayo sayo sa bawat pagkadapa mo. Ngunit pare! Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo sa oras na wala sila sa tabi mo. Sa panahong ito, dito mo malalaman kung sino ang tunay mong kaibigan. Malalaman mo na ang kapitbahay mo palang bungi ang makapagbibigay sayo ng gamot na bayabas pantapal sa sugat mong naaagnas. Huwag kang mag-alala dahil sa mga panahong ito, nandyan ang panginoon hinihintay lang niya na kailangan mo siya. Baka daw kasi nakalimutan mo na siyang katukin.. dumalaw ka naman..



Ang pagsilang sa bukas na isipang pinoy!


Ito ay hindi pinagisipan, hindi rin pinagplanuhan. Ngunit maaaring isang bagay ang nakapagbigay dahilan sa pagkakagawa nitong website, yun ay si Bob Ong. Matapos ko basahin ang kanyang libro, napaupo na lamang ako bigla sa harap ng aming kompyuter at nagsimulang gumawa ng website. 1 oras bago natapos ayusin ang mga HTML CODE nito.

Ano ba ang ibig sabihin ng BUKAS NA ISIPANG PINOY?

Ito ay isang libro ngunit dahil sa walang pondo, at mas maiging maipahayag ang saloobin sa pamamagitan ng pagiiinternet ito ay nabuo. Iba’t-iba at sari saring saloobin ang iyong mababasa, simula sa araw na ito. Maaaring ito ay hindi mo magustuhan at maaari ding dahil dito ay mababago ang iyong pananaw. Ngunit wala akong gusto manyari sa aking mga sinabi at sasabihin pa. Hindi kita pinilit na baguhin ang iyong prinsipyo at pilosopo sa buhay. Ikaw pa rin ang tanging masusunod. Desisyon mo ang pagbabasa sa aking website, di kita pinilit magbasa!. Kung bukas ang iyong isipan, ito ay iyong mauunawaan. At kung sarado man ito, hayaan mo ang sarili mo ang makapagbukas nito. Ako ay nagpapasalamat at humihingi ng tawad sa mga taong masasagasaan ko sa mga susunod ko pang pahayag.