l




Monday, August 07, 2006

Ano ba ang buhay?


Ano nga ba ang buhay? Hindi bat nabubuhay tayo dahil sa paghinga. Sabi nga nila ito ay ang pagpapalitan ng OXYGEN AT GAS sa loob ng katawan. Maaari kang mamatay sa isang iglap sa oras na magkaroon ng problema sa loob ng iyong katawan katulad ng hindi pagdaloy ng dugo. Ngunit sino nga ba ang nagbigay ng buhay?. Alam kong iisa lang ang nasa ating isipan, at kung iba man ang nasa utak mo! Aber! sino?

Mahirap mabuhay. Kailangan mong kumain kung hindi mangangayayat ka at magkakasakit at unti uti kang mamamatay. Ngunit sino ang makapagsasabi kung kelan ka mamamatay?. Hindi bat kahit kumain ka ng madami sa mga oras na ito, maaaring sa sobrang iyong kabusugan ikaw ay inantok at nakatulog. Sa kasawiang palad ikaw ay binangungot at dina muli pang nagising. Maaari ka ding mamatay habang ikaw ay naliligo kapag ikaw ay nadulas sa banyo at nabagok ang ulo. Pwede ring pagkatapos nitong pagbabasa mo ng website ko ay pwede kang mamatay dahil nakuryente ka. Sabi ko sayo eh!. Walang makapagsasabi kung kelan tayo lahat mamamatay. Tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam.

Ngunit mayroong isang katagang dapat mong laging isipin ito ay “Mabuhay ka na parang wala ng bukas!”. Maging masaya ka sa bawat pagkakataon, huwag mong hayaan ang sarili mo na magpatalo sa mga problemang sa iyo ay bumabalot. Alam kong mahirap makipaglaban, ganun din naman ako. Mahirap yun lalo pat kahit anong gawin mo ay lagi kang nahuhulog. Walang nais magtayo sayo sa bawat pagkadapa mo. Ngunit pare! Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo sa oras na wala sila sa tabi mo. Sa panahong ito, dito mo malalaman kung sino ang tunay mong kaibigan. Malalaman mo na ang kapitbahay mo palang bungi ang makapagbibigay sayo ng gamot na bayabas pantapal sa sugat mong naaagnas. Huwag kang mag-alala dahil sa mga panahong ito, nandyan ang panginoon hinihintay lang niya na kailangan mo siya. Baka daw kasi nakalimutan mo na siyang katukin.. dumalaw ka naman..

8 Comments:

Blogger Euri said...

ang cute cute ng layout

9:31 AM  
Blogger jeniffer said...

hehe..salamat!

7:00 PM  
Blogger tutubing_karayom said...

Maaaring maraming beses tayo nadapa sa pag daan natin sa bako bakong landas, isipin nalang na ito ang bibigay ng halaga sa ating pakikipag laban sa buhay... kung walang pagsubok malamang walang kahulugan ang buhay... Keep posting!!!

10:12 PM  
Blogger idealpinkrose said...

natakot naman ako sa line na pagkatapos mong mabasa ang ito ay baka mamatay ka na...waaaahhhh...kinilabutan ako doon....

nice post girl!

5:17 AM  
Blogger Mish said...

tama! live the most out of life pero paunti-unti lang. para di mabulunan. ingat lang para di madulas sa mabasang sahig ng CR at keep in check palagi ang mga cables ng iyong computer. pag grounded, aksyunan na bago ka pa tuluyang makuryente.

5:55 AM  
Blogger icarus_05 said...

Aus to! haha! More more!!

i agree with you.. 100% hehe.. Buksan mo ang isipan ng mga pinoy... keep up the good work!

baka naman ma2lad ka na ke bob ong. hehe.. nagsimula din siya sa bobongpinoy.com hehe :D

6:14 AM  
Blogger rina said...

dumaan lang ako ah:d

4:59 PM  
Blogger Rowjie said...

yup yup yup, i do agree with you.

actually, there are so many reasons to be happy about. sometimes, we just tend to overlook it. We don't get contented with what we have that's why sometimes we say that we aren't happy.

Medyo malungkot rin lang kasi kapag masaya naman tayo eh nalilimutan na natin si Lord. Mas naaalala lang natin siya sa panahon ng kagipitan.

PINOY, BUKSAN MO ANG IYONG ISIPAN! :)

rowjiefully yours,
rowjie

5:42 PM  

Post a Comment

<< Home