l




Monday, August 14, 2006

Ito ang tunay na kahulugan ng buhay.

Hindi siya tanga dahil nakakaintindi naman siya ng mga rules at regulation, hindi rin siya bobo dahil marunong siyang magbasa at sumulat. Eh anong tawag sa isang taong kahit paulit ulit ng nasasaktan, nadadapa at nabibigo ay pilit pa ring bumabangon sa pagkakalugmok?!. Ipinaglalaban ang mga bagay na hindi alam kung anong kahahantungan. Walang katiyakan at walang kasiguraduhan. At kung meron man, bakit ito Malabo at wala man lang bakas ng kalinawan? Uso na naman ngayon ang PICTURE EDITING kung saan ang mga letratong luma na ay maaari ng palinawin sa pamamagitan ng pag EDIT sa KOMPYUTER. Ang mga panget sa litrato ay maaari ng pagandahin. Ang mga tigidig sa muka ay naglalaho na, walang bakas ng kasalanan. Hindi bat pwedeng ang buhay ay palinawin na rin katulad ng sa letrato?

Ngunit isipin mo ito? Sa buhay di lahat ay may sagot. Kung meron man pilitin mo itong malaman. May namamatay na may tanong na di nasagot tulad ng “Bakit ako ipinanganak na mahirap?” at “bakit kahit anong gawin kong pagsusumikap na magtrabaho ay nanatili pa rin akong dukha?”. Namamatay sila na di naintindihan ang kanilang pinagdadaanan sa buhay. Sabi nga nila namatay siya ng puno ng pagdurusa. Nabuhay siya ng mahirap at namatay din ng mahirap. Mahirap talaga minsang intindihin ang mga bagay sa mundo. Mahirap lalo sa mga taong di nakapag-aral man lang.

Ngunit kahit ang isang enhinyero na nagtapos ng MAGNACUMLAUDE sa isang prestilyosong UNIBERSIDAD ay dir in masagot ang mga misteryo na nababalot sa buhay. Kahit si Socrates na isang matalinong Pilosopo ay wala ring katiyakan sa mga bagay na kanyang ipinapahayag, puro iyon OBSERBASYON at TEORYA lamang. Ang nalalaman lang nating lahat ay kailangan nating mabuhay, kumain ng 3 o 5 beses sa isang araw upang mapunan ang laman ng sikmura. Sa mga mahihirap tama na ang 1 o 2 beses na makakain, ang mahalaga ay may masisilungan kahit na maliit lamang na barong baro sa panhon ng unos. Kahit na sa bawat sulok ng bahay ay may mga butas at tumutulong tubig ulan. O kahit ang bawat pader ng plywood ng dingding ay magigiba na sa lakas ng hagupit ng hangin.

Malupit mabuhay sa mundo yun ang totoo. Ngunit kailangan mo maging matatag sa kahit ano pa mang pagsubok na dumaan. Manatili ka katulad ng isang kawayan na kahit labing dalawang bagyo ang dumaan, ay nanatili pa rin siyang nakatayo at nakikipaglaban. Nakikisabay sa ihip ng hangin at sumasayaw sa awit ng buhay. Ikaw ang talo kung pababayaan mo ang sariling madapa. Tulungan mo ang iyong sarili at maniwala ka tutulungan ka rin niya.

1 Comments:

Blogger Mish said...

that's how everybody should handle life.

6:26 PM  

Post a Comment

<< Home