l




Wednesday, September 06, 2006

Mahirap ka ba pinoy?

Naniniwala ka bang halos 75% ang taong mahirap sa Pilipinas?
Sa ngayon ay kasama pa rin tayo sa “WORLD’S MOST POVERTY COUNTRY” oo at mukang habang tumatagal eh pataas ng pataas ang ating ranggo sa TOP LIST!. Para bang nasa countdown ng isang music station, habang dumadami ang populasyon ay dumadami din ang mahirap.

Sino ba ang dapat sisihin? Ang mahihirap? Ang gobyerno? Ang diyos? Mahirap mamili diba?. Kahit ako mahihirapan akong pumili sa unang pagbasa pa lang ng katanungan na yan. Mahirap dahil una sa lahat, may masasagasaan ka na madaming pahayag ukol sa isyu na yan. Hindi ganung kadali ang magbitiw ng mga salita. Pero isipin mo? kung ang diyos ay gumawa ng mahirap? Wala na bang magagawa upang iahon ang mga lugmok sa kahirapan?. Hindi bat pwede namang magsumikap upang magkaroon ng ginhawa sa buhay?. Sa kabilang banda ang sagot ng iba, “May diskriminisasyon kc”. Oo nga naman, maraming mayayaman at mga ahensya ang ayaw tanggapin ang taong mahirap. Kapag wala kang pera talo ka!. Kaya kahit anong sumikap ng isang tao, kahit na doble pa sa kalabaw ang kanyang pagtratrabaho pero kung may mga taong ganito ang tingin sa mga mababang uri ay hindi rin aangat sa buhay.


Ang gobyerno? Hindi rin maikakaila na merong mga kurakot sa pamahalaan. Hindi lamang ito bunyag, ngunit ramdam ito ng buong sambahayan. Dahil kung walang kurakot? Bakit ilang henerasyon na ay malaki pa rin ang utang ng Pilipinas? Bakit hindi mabayaran? San napupunta? Bakit yumayaman ang mga taong nagtratrabaho sa gobyerno? At habang sila ay yumayaman ay dumadami naman ang mahihirap. Ang daming katanungan na kahit a MADAM AURING ay hindi masagot, kaya nagtiis na lang maging manghuhula ng kanyang sariling love life. Sabi nga nila “Madami ng dumaan na apo si LOLO JOSE, pero hanggang ngayon di pa tayo bayad sa utang!”. Mahirap talaga ang ganitong lagay n gating bansa. Hanggat may tiwali habang buhay tayo maghihirap. Nasa sayo na lamang kung paano mo gagawan ng sariling kwento ang iyong buhay.

8 Comments:

Blogger masaklap.jonell said...

the cause of famine in our land is the cause of unjust social communication. sana dumating yung araw na wala nang mahihirap na pilipino. sana dumating ang araw na sisikat na ang araw sa perlas ng silanganan.

pero parang puro SANA na lang ang pwedeng ibukambibig ng bawat isa sa atin. wala nang pag-unlad na nagaganap. puros deception at corruption na lang ang nangyayari.

wala na ba si ginang pagkakaisa? o lubhang naimpluwensiyahan na ng ibang salik?

sana. sana. sana.

-- http://masaklap.blogspot.com/

11:01 PM  
Blogger icarus_05 said...

Hindi pa tapos ang lahat... Nasa sa ating mga kamay ang magiging kinabukasan ng Pilipinas... Pero nasa saatin din kung ano bang magiging ganap natin sa lipunan... Magiging pag-asa ba tau at mag aangat sa Pilipinas? Magiging tambay ba tayo at parami lang ng parami ng lahi? O magiging isang opisyales tau ng gobyerno na wala nang ginawa sa congreso kundi matulog at magtext? (ayon sa prof ko...)

Bahala na, alam ko naman magagawa natin ito eh... Ayon nga sa aking nalalaman, walang pagkakaisa ang bansang pilipinas... Dahil, isa tayong arkipelagong bansa, hiwa hiwalay ang mga isla, kaya mahirap nga namang magkaisa... pero magagawa naman iyon eh... Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan...

Basta kahit anong mangyari, hindi ko iiwan ang Pilipinas... Ipagyayabang ko sa mundo na Pilipino ako...!

1:22 AM  
Blogger tutubing_karayom said...

Sabi nila kabataan ang pag asa ng bayan... pero ewan korin... dahil khit kabataan ay unti unti naring nawawalan ng pag asa!!

7:38 PM  
Blogger deng said...

Hmm, napag debatihan namin sa klase kung sino ang may kasalanan sa paghihirap ng mga pilipino. Gobyerno daw ba o ang mga mamamayan ng Pilipinas. Pero sa tingin ko nasa saatin na ang kagustuhan ng pagbabago o ikaaayos natin. ;)

11:55 PM  
Blogger gerome said...

For me, the worldwide imperialism is the main cause of poverty. Bakit? Ang society kasi natin ngayon is considered as semi-colonial and semi-feudal. Semi-colonial in such a way na hindi na tayo directly sinasakop ng ibang bansa pero the influence from outside is so strong na kaya nitong i-manipulate ang Pilipinas politically and economically.

Dahil karamihan sa mga Pilipino ay pagsasaka ang kinabubuhay, at mayroong inequality between the landlords and the farmers, considered as semi-feudal tayo.

Paano papasok 'yung imperialism doon? The imperialist consents the existence of these semi-colonial and semi-feudal states by using the local elite (such as those who hold position in the government and those people like the Cojuangcos, Sys, all the BIG businessmen you can name). Siyempre, ang interest ng local elite ay magpayaman at manatili sa power, kahit na sukdulang abuse na 'yung gagawin nila sa mga mahihirap. At siyempre, tutulungan sila ng mga imperialists na makuha 'yun. Pero dahil hindi naman papayag 'yung mga imperialists na walang kapalit 'yung tulong na 'yun, gagawa ng mga provisions itong government na pumapabor sa interest ng mga imperialists, such as globalization o 'yung pagpasok ng Pilipinas sa world trade na nagluluwag sa pagpasok ng foreign products, and the ever-controversial Chacha.

It is not true that we experience great poverty because we are so lazy, unbothered of the future. Hindi tamad ang mga Pilipino. Bigyan mo ng magandang trabaho ang mga Pinoy, for sure, susunggaban nila 'yan. Mayroon lang talagang malawakang pang-aabuso sa napakalawak na hanay ng mga Pilipino kung kaya tayo naghihirap. Kaya nga what we really need is a great and deep change, hindi lang reforms.

Ayon lang. ;)

12:37 AM  
Blogger Juz said...

Naniniwala ako na lahat tayo ang may kasalanan bakit naghihirap ang Pilipinas...

Kung laging magtuturuan kung sino ang may kasalanan ---- for sure hindi talaga tayo uunlad..

"all things in this world comes in big and small.. but sometimes the smallest one can make the biggest change of all..."

7:17 AM  
Blogger gerry said...

you know jenny marahil tama ka dyan sa sinasabi mo. ang bansa natin puno ng diskriminasyon. mga mayayamang dayuhang mga negosyante lang ang nakikinabang sa ating bansa. lalo na yung mga kompanyang nagdidiskirmina sa mga aplicanteng walang natapos kahit na may mitutulong namn ito sa kanila. kahit man ako nakakaranas ng ganyang uri ng pamamalakad palakasan ang umiiral. magkaisa?... hahaha. walang pagkakaisa sa ating bansa!!.. kelan pa nakaahon sa kahirapan ang mga mahihirap. by the pls comment my blog bigyan mo din ako ng opinyon tungkol sa mga nasusulat ko... tungkol to sa mga nangyayari sa ating bansa at patuloy pang nangyayari.. tnxs jeny

7:08 AM  
Blogger gerry said...

tama ka dyan jen. lamang ang diskriminasyon sa ating bansa. tanging mga dayuhang negosyante lamang ang natutulungang ng ating bansa. kahit man ako nakararanas ng ganyan. kahit saan, bigyan namn sana ng gobyerno ang kakulangan nila sa mga maralitang pilipino. wala ng pag asa ang bayan kung ang mga namumuno ay mga kurapt. bignyan mo din ako ng opinion tungkol sa mga mga nangyayari sa ating bansa. gising ako sa patuloy na ginagawa ng gobyerno.

7:12 AM  

Post a Comment

<< Home